Month: August 2014

Looking for Books in Baguio City?

Click on the link to read the article:

http://www.bubblews.com/news/5425407-cheap-bookstores-in-baguio-city

Advertisements

#ScrapSTS

Enrollment namin sa University of the Philippines Baguio kahapon. Siyempre, maaga akong pumunta at nagtiyaga sa mga pila. Chika dito, chika diyan.

Pagkatapos ng advising, next step ay pumunta sa OSFA/ODSA para sa bracket certification. Naisip ko na nandoon din lang naman ako, eh di itanong ko na kung pwede bang mag-appeal ulit kahit na nag-apeal na ako online.

Sinabihan ako na kausapin ko ang pinuno ng OSFA/ODSA. Tumungo ako sa opisina niya at itanong ko nga iyon. Nagtaka siya at itinanong kung bakit gusto kong mag-appeal ulit. Dagdag pa niya, “kasi may rason kung bakit ganun ang discount mo.” Ok. So, binuksan niya ang computer niya at tinignan ang form ko sa STS o Socialized Tuition System.

Ipinakita niya sa akin ang mga impormasyon na alam ko naman dahil ako ang naglagay. Nakita ko din doon na dapat PD (Partial Discount) 60 dapat ako o P400/unit dahil sa income ng aking ama. Sinabi sa akin ng pinuno ng OSFA/ODSA na kaya daw ako PD 40 o 600/unit ay dahil may mga kapatid akong nag-aaral din sa kolehiyo. Nagulat ako, at medyo nalito. Inisip ko, hindi ba dapat mas paboran nila ang mas mababang bracket para sa akin dahil meron nga akong mga kapatid na nag-aaral sa kolehiyo? Itinanong ko ito kay Ma’am, ngunit ang sagot niya ay hindi daw.

Mas mataas ang bracket na ibinigay nila sa akin dahil meron akong dalawang kapatid na nag-aaral sa pribadong kolehiyo. At sabi pa niya, hindi naman daw importante ang gastusin ng pamilya namin para iconsider ako sa mas mababang bracket.

Kumuha ako ng Philo 11 o Logic. Pero paglabas ko ng opisina niya, litong-lito ako. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo.

Para saan pa ang scholarship o STS kung hindi naman pala ito para sa mga mahihirap? Kung hindi ka naman nito tutulungan makapag-aral? So ang layunin pala ng STS ay para sa mga mayaman o walang kapatid?

Kung nilagay ko ba na only child ako, makukuha ko yung pinakamababang bracket? Kung nilagay ko na meron kaming apat na bahay, sampung sasakyan, at limang negosyo ngunit wala akong kapatid na nag-aaral sa kolehiyo, baka siguro bigyan nila ako ng Full discount. Total, hindi naman pala expenses based ang STS. Wala silang paki-alam kahit kulang ang sweldo ng tatay niyo sa gastusin ng buong pamilya.

Nakakabaliw. Sana pineke ko na lang at nag-imbento ng mga kung anu-ano.

#STS #Enrollment #ScrapSTS #EducationRights #Justice